10

By

Palasyo: Federal constitution makakalusot yan

Sharing is caring!

Positibo ang paniniwala ng Malacañang na makakalusot ang bagong binalangkas na Konstitusyon sa susunod na taon sa kabila ng pahayag ng ilang senador na hindi ito kasali sa kanilang prayoridad.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na hindi nawawalan ng pag-asa ang Pangulo dahil inilatag naman nito ang posisyon na bababa sa puwesto sa sandaling maratipikahan ng kongreso ang bagong Konstitusyon.

Umaasa aniya ang Presidente na tatanggapin ng Kongreso at ng Consultative Committee ang kanyang mungkahi na magkaroon ng transitory provision para maghalal ng bagong Presidente.

“We remain optimistic. And the President has said na nga na if it is finally ratified by the people then he will step down. And he is hoping that both the Consultative Commitee and Congress will adapt his suggestion calling for a transitory provision providing that the transition leader will be an elected post,” ani Roque.

Naniniwala ang kalihim na sapat ang kaalyado ng Pangulo sa senado para kumbinsihin ang ibang kasamahan na bigyan ng pagkakataon ang charter change.

Sinabi ni Roque na maganda ang relasyon ng Malacañang sa marami sa mga senador kayat makakatulong ang mga ito para sa isinisulong na charter change.()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?