187
Palasyo: Duterte walang kinalaman sa pagkahuli ng ‘Ang Totoong Narco List’ uploader
May 2, 2019 @ 15:36
By

Palasyo: Duterte walang kinalaman sa pagkahuli ng ‘Ang Totoong Narco List’ uploader

Hindi makikialam ang Malacañang sa magiging aksyon ng mga awtoridad kaugnay sa naarestong ‘person of interest’ ng National Bureau of Investigation (NBI) na iniuugnay sa kumalat na narco video ng nagpakilalang alyas ‘Bikoy’.

Inihayag ito ni Presidential Spokesman Salvador Panelo kasunod ng ulat na ang hawak ng NBI ay si ‘Bikoy’ na nag-akusa kay Pangulong Rodrigo Duterte at pamilya nito sa illegal drug trade.

Sinabi ni Panelo na tungkulin ng NBI at Philippine National Police (PNP) na magsampa ng kasong kriminal sa sinumang mapapatunayang lumabag sa batas.

Hindi na aniya kailangan pang ang Presidente ang magdemanda dahil mandato ng mga awtoridad na magsampa ng kaso sa mga lumabag sa Konstitusyon.

“Kung sabihin nilang involved eh, the President doesn’t even have to instruct them to file, because that’s their job, to file criminal cases against those who violate the law, ‘di ba. the President doesn’t have to instruct any police agency to file any case. It is the duty of the police enforcement agencies to file cases against violators of the law,” ani Panelo.

Sinabi ng kalihim na wala silang alam sa nahuling POI ng NBI kaya’t hintayin na lamang ang official report na ilalabas ng ahensiya kaugnay sa hinuling tao.

“What we should do is just to wait for an official report on the investigation and why did they arrest this person in interest; exactly what is his participation; what proof do they have,” dagdag pa ni Panelo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?