95

Nov 16, 2021 @ 19:20
By

Palasyo: Duterte maglalantad ng SALN kapag nanalong senador

Naniniwala ang Malacañang na susunod si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga patakaran at protocol sa Senado sakaling manalo ito sa pagka-senador sa darating na eleksiyon.

Kasunod ito ng tanong kay Acting Presidential Spokesman Carlo Nograles kung susunod din ba ang Pangulo sa paglalabas ng kanyang statement of assets, liabilities and net worth (SALN) kapag nasa Senado na ito.

Ayon kay Nograles, kapag nanalo ang Presidente sa 2022 elections ay tiyak na susunod ito sa mga proseso at protocol sa mataas na kapulungan ng Kongreso.

“I am sure the President will follow whatever protocols or practices there in the Senate. When he wins as senator of our republic, then he will follow kung ano iyong mga policies, procedures and protocols of the Senate,” ani Nograles.

Sinabi ng kalihim na noong na sa mababang kapulungan ito ay isinusumite nila ang kanilang SALN sa Secretary General at hindi nito tiyak kung ganito rin ang proseso sa Senado.

Una rito, ilang media entities na ang humingi ng permiso para sa kopya ng SALN ni Pangulong Duterte subalit bigo ang mga ito na mapagbigyan ng Office of the Ombudsman.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?