24

Aug 9, 2021 @ 16:36
By

Palasyo: Duterte ginastusan mga atleta kaya nagka-Olympic gold

Sinabi ng Palasyo na namuhunan nang malaki ang Duterte administration sa mga Pilipinong atleta na nagresulta sa mahusay na performance ng mga ito sa Tokyo Olympics.

Ang apat na medalya kasing nasungkit sa Tokyo ang pinakamaraming nakuha ng bansa simula nang sumali sa Olympics noong 1924.

“Hindi coincidence na we had the best ever performance in the Olympics, including our first gold medal ever, under the leadership of President Rodrigo Duterte. Figures will bear me out, talaga naman pong nagtanim at nag-invest ang Pangulo sa ating mga atleta,” pahayag ni Roque.

“Nakita natin ang prutas ng investment na ‘yan,” patuloy niya.

Sa kabila ito ng ulat na ilang atleta ang dumaing ng kawalan ng pinansiyal na tulong sa kanila bago ang kompetisyon tulad nina Hidilyn Diaz at Eumir Marcial.

Apat na medalya ang naiuwi ng Pilipinas mula sa Olympics. Isang gintong medalya, dalawang pilak at isang tanso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?