43

Oct 5, 2021 @ 20:00
By

Palasyo: Duterte admin may malasakit kaya mataas sa Pulse Asia survey

Ipinagmalaki ng Malacañang ang mataas na markang nakuha ng Duterte administration sa survey na inilabas ng Pulse Asia.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na ang survey ay patunay ng isang matatag at may malasakit na liderato ng administrasyon para sa mga Pilipino.

Batay sa survery na ginawa ng Pulse Asia nitong September 6-11, 2021, nakakuha ang Duterte administration ng markang +62 sa paglaban sa kriminalidad; +62 sa pagtugon sa mga lugar na apektado ng kriminalidad; +60 sa pagprotekta sa kapakanan ng Overseas Filipino Workers (OFWs); +55 sa peace and order; at +50 sa ginagawang pagtulong ng gobyerno sa pamamagitan ng subsidiya sa mga nawalan ng hanapbuhay dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic.

Sinabi ni Roque na ang nagagalak silang mataas ang approval rating na ibinigay ng respondents sa nabanggit na pambansang isyu.

“The administration, under President Rodrigo Duterte, has exemplified decisive and compassionate leadership, which is best illustrated in Pulse Asia’s latest survey conducted from September 6-11, 2021,” ani Roque.

Ikinatuwiran naman ng kalihim na epekto ng mahigpit na quarantine kaugnay sa nararanasang pandemya ang mababang markang nakuha sa survey na may kinalaman sa isyung pang-ekonomiya gaya ng trabaho, mababang kita,pagbagsak ng antas ng kahirapan at pagkontrol sa inflation.

“Such results reflect the present economic situation , where 23.3 million workers, according to our Economic Team, have been affected by heightened quarantine,” dagdag ni Roque.

Batay sa survey, +27 ang marka ng gobyerno sa paglikha ng trabaho; +27 sa pagpapaangat sa sahod ng mga manggagawa; +9 sa ginagawang pagtugon sa kahirapan ;at +1 sa pagkontrol sa inflation.

Sinabi ni Roque na ito ang dahilan kaya pinapalakas at binibilisan ng gobyerno ang vaccination rollout para maabot ang target population protection at dahan dahang magbukas ang ekonomiya at magpatupad ng localized lockdowns sa mga lugar na mayroon pang mataas na kaso ng COVID-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?