19

Oct 6, 2020 @ 19:32
By

Palasyo dumistansya sa gulo ng Kongreso

Hindi nagkomento ang Malacañang sa mga panibagong development sa House of Representatives partikular ang pagsuspende sa sesyon ng Kamara hanggang sa susunod na buwan.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na hindi sila makikialam sa mga kaganapan sa Kamara dahil ito ay panloob na isyu ng mababang kapulungan.

Nagpasalamat naman si Roque sa mga kongresista sa pagpasa sa 2021 proposed national budget sa second reading nitong Martes ng hapon.

” That is purely internal matter of the House of Representatives even as we thank the house for their timely passage of the 2021 budget,” ang maiksing pahayag ni Roque .

Muli na namang naging mainit ang balitaktakan ng mga kongresista matapos suspendihin ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang sesyon ng plenaryo hanggang November 16.

Mangangahulugan ito na hindi matutuloy ang inaasahang pagbaba ni Cayetano sa October 14 para bigyang-daan si Congressman Lord Allan Velasco alinsunod sa kanilang napagkasunduan na maghati sila sa termino ng pamumuno bilang House Speaker.

Nitong Lunes ng gabi ay nakipagkita si Velasco kay Pangulong Rodrigo Duterte para humingi ng basba sa gagawin nitong pagtakbo sa House Speakership.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?