56

Oct 10, 2017 @ 17:41

Palasyo dumistansiya sa SC decision kay De lima

Dumistansiya  ang  Malacañang sa naging  aksiyon  ng Korte Suprema   sa  petisyon  ni Senadora Leila de Lima na  ipawalang-saysay  ang  isinampang kaso laban sa  kanya  kaugnay sa  illegal na  droga.

Ito ay  makaraang  ibasura  ng  Kataas-taasang  Hukuman  ang  petisyon ng  senadora  na  mangahuhulugang  magtatagal  pa  ito sa  kanyang pagkakakulong.

Sinabi kahapon  ni  Presidential Spokesman Ernesto Abella, ano man ang  naging  aksiyon  ng  Korte Suprema  sa  petisyon  ni de  Lima  ay  labas  na  dito  ang Malacañang.

Hindi aniya  nakikialam ang  ehekutibo sa  trabaho  ng  hudikatura   dahil isa  itong  indipendiyenteng  sangay ng  gobyerno  kayat  hahayaan  ng Palasyo  kung  ano man  ang  naging  aksiyon ng  mga  mahistrado sa  kaso ni de Lima.

“That is within the Supreme Court’s purview. It’s… We leave it to them to address that,” ani Abella.

Si de  Lima ay nahaharap sa tatlong kaso na  may  kinalaman sa  illegal na  droga  dahil  naging  talamak ang  illegal drug trade  sa New  Bilibid  Prison sa  panahon ng   kanyang  termino bilang  kalihim ng  Department  of Justice. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?