roque-1
By

Palasyo, dumistansiya sa pagsasauli ng Tulfos sa P60-M Tourism ads

Sharing is caring!

Tumangging magkomento ang Malacañang sa isyu ng umano’y pagsasauli ng pamilya Tulfo sa ibinayad na P60 million ads ng Department of Tourism.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, narinig lamang niya ang balita at maaring gawin ng mga Tulfo ang gusto nilang gawin dahil wala pa naman silang kaso.

Hindi aniya nito masabi kung ano ang gagawin ng Ombudsman dahil bagong development ito sa isyu at hindi niya matiyak kung nakarating na ito kay Pangulong Rodrigo Duterte.

“Your guess is as good as mine. Pero kung ang tatanungin po kung ano ang desisyon ng Presidente sa isyung ito wala pa po, dahil itong offer na ibalik ang P60 million is a breaking development. Siguro po ang Presidente nalaman sa balita lamang,” ani Roque.

Hindi rin masabi ni Roque kung kanino ibabalik ang P60 million at kung ano ang magiging epekto nito.

Tumangging sagutin ni Roque ang tanong kung may posibilidad ba na makasuhan ang mga personalidad na sangkot sa P60 million TV ads pati na ang mga opisyal ng PTV-4.

“Any other lawyer can answer that question, but as a spokesperson, I think I’d rather not answer that question,” dagdag pa ni Roque.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?