75
guevarra
By

Palasyo, dumistansiya sa diskarte ng bagong DOJ secretary

Sharing is caring!

Hindi makikialam ang Malacañang sa mga gagawing aksiyon ni bagong Justice Secretary Menardo Guevarra lalo na sa pagpapalit ng mga taong makakatulong nito para magpatakbo sa ahensiya.

Sa harap na rin ito ng resignation ng tatlong undersecretaries at isang assistant secretary bago pa man sila utusan ni Guevarra na bakantehin ang kanilang puwesto.

Ang apat na opisyal ng DOJ ay sinasabing mga tao ni resigned DOJ secretary Vitaliano Aguirre.

Sinabi naman ni Presidential Spokesman Harry Roque na desisyon na ni Guevarra kung nais nitong palitan ang mga dating opisyal ng DOJ.

“Call po niya ‘yon, that’s his call,” ang maiksing sagot ni Roque.

Nauna rito ay napaulat na pinagbibitiw umano ni Secretary Guevarra ang mga dating appointee ni Aguirre para makapagtalaga ito ng mga taong gusto nitong makatrabaho sa DOJ.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?