12
harry-roque
By

Palasyo dumistansiya sa desisyon ng Ombudsman na kasuhan si Faeldon

Sharing is caring!

Iginagalang ng Malacanang ang rekomendasyon ng Office of the Ombudsman na kasuhan ng kriminal at administratibo si dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon sa Sandiganbayan at ilang kasamahan kaugnay sa kontrobersiyal na P6.4 bilyong pisong naipuslit na shabu sa Aduana noong 2017.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, pagkakataon na ni Faeldon at mga dating kasamahan sa BOC na ibigay ang kanilang panig at idepensa ang sarili sa korte laban sa paratang na nagsabwatan umano para mailabas ang conntainer van na may kargang shabu.

“The Palace respects the recent decision of the Ombudsman recommending the filing of charges against former Bureau of Customs (BOC) Commissioner Nicanor Faeldon et al.

Mr. Faeldon, et al will now have their day in court where they can defend themselves in the upcoming preliminary investigation in connection with the incident,” ani Roque.

Matatandaang naging kontrobersiyal ang isyu at naimbestigahan pa sa senado na naging dahilan para ma-detain si Faeldon sa senado ng ilang buwan at maging sa Pasay City Jail.

Kabilang sa mga inirekomendang kasuhan bukod kay Faeldon ay ang mga dating opisyal ng BOC na sina Milo Maestrecampo, Larribert Hilario at Mary Grace Tecson-Malabed.

Inirekomenda ring kasuhan ng grave misconduct ang ilan pang customs officials na sina Joel Pinawin at Oliver Valiente.

Inabsuwelto naman ng Ombudsman dahil sa kawalan ng sapat na ebidensiya sina Presidential Son at dating Davao City Vice-Mayor Paolo Duterte at bayaw nitong si Atty. Manases Carpio.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?