48

Jul 21, 2021 @ 19:08
By

Palasyo: Drug-free ‘Pinas posible pa sa natitirang taon ni Duterte

May natitira pang isang taon si Pangulong Rodrigo Duterte para ganap na linisin ang bansa sa illegal na droga.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque bilang tugon sa obserbasyon ng mga kritiko na nabigo ang pangulo na tuparin ang pangako na tutuldukan ang problema sa illegal na droga sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan.

Sinabi ni Roque na mayroon pang isang taon ang presidente sa puwesto kaya mayroon pang panahon para tapusin ang problema.

“Kampante naman po tayo na may isang taon pa so baka kayanin naman pong gawin iyan, at pagkatapos ng termino ng presidente ay maaaring ma-achieve po na lahat ng barangay na maging drug-free,” ani Roque.

Sinabi ng kalihim na hindi inakala ng pangulo na masyadong talamak ang problema sa droga nang maupo ito bilang presidente kaya inihayag nito na magtutuloy-tuloy ang kampanya hanggang sa huling araw ng kanyang termino.

“Na-realized po niya early on his term na talagang mas malalim at mas malala ang problema kaya nga po mas tumagal iyong pagsupil sa ipinagbabawal na droga,” dagdag ni Roque.

Sa kasalukuyan ani Roque ay 52.05% na ng mga barangay ang drug-free at mayroong 31.42% na kailangan pang linisin mula sa illegal na droga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?