27

Feb 8, 2020 @ 11:55
By

Palasyo didistansya sa imbestigasyon ng DICT confidential fund

Hindi makikialam ang Malacañang sa gagawing imbestigasyon ng Senado sa isyu ng confidential funds ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na umano’y ginamit sa surveillance activities.

Kasunod ito ng ginawang pagbibitiw ni DICT Undersecretary Eliseo Rio sa puwesto noong January 31, 2020 matapos umanong kuwestiyunin ang paggamit ng cinfidential funds.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na hahayaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Senado na busisiin ang alegasyon ni Rio na paggamit ng confidential funds sa cyber security activities.

“He will observe the Senate hearing on its investigation to Rio’s allegations,” ani Panelo.

Kinuwestiyon ng Commission on Audit (COA) ang illegal release ng confidential fund ng DICT na tig-100 million noong November 8, December 3 at December 17, 2019 bilang cash advance para sa cyber security activities.

Sinabi ni Panelo na hindi pa inaaksiyunan ni Pangulong Duterte ang resignation ni Rio at mag-uusap ang mga ito kapag mayroon ng schedule para sa kanilang meeting.

“His office has received the resignation letter but he has not read it. As to the allegations of Rio, he will listen to him when they meet, but no schedule yet,”dagdag pa ni Panelo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?