3,125

By

Palasyo ‘di tatantanan si Trillanes

Sharing is caring!

May mga nakikitang remedyo pa ang ehekutibo para habulin at panagutin si Senador Antonio Trillanes IV sa mga inilunsad nitong kudeta laban sa gobyerno.

Sinabi ni Presidential Spokesman at Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo na mismong ang Makati Regional Trial Court ang kumilala na legal ang Presidential Proclamation no. 572 kayat may mga legal na remedyong maaaring gawin para mahabol ang senador.

Binigyang-diin ni Panelo na na-dismiss ang kasong kudeta ni Trillanes batay sa walang bisang executive order ng nakalipas na administrasyon kaya walang magiging kuwestiyon sa jeopardy.

Wala pa aniyang natatanggap na kopya ang Malacañang sa naging ruling ni Judge Andres Soriano ng Makati RTC at nirerespeto nila ang pagtanggi ng hukom sa mosyon na maisyuhan ni Trillanes ng warrant or arrest.

“The ruling of the court already suggests that this case is unique. Insofar as we are concerned, however, the first jeopardy has not yet been validly terminated since the dismissal of the case for coup d’etat was based on a void executive grant. Therefore, existing legal remedies under the law may be availed of, considering especially the said court’s confirmation that Presidential Proclamation No. 572 (s. 2018) is legal,” ani Panelo.

Ang pagkilala aniya ng korte sa Proclamation 572 ay patunay na walang ginagawang political persecution ang administrasyon sa mga kritiko ng gobyerno.

Sinabi ni Panelo na ipinapatupad lamang ang batas sa mga hindi sumusunod nito at walang planong humingi ng simpatiya sa publiko gaya ng ginagawa ng mga nasa oposisyon.

“In the same way, we welcome its affirmation of the validity of the proclamation issued by the President as it signifies that this administration is not engaged in the political persecution of its critics but is only enforcing the law against anyone who goes against its command,” dagdag pa ni Panelo.

Ipapaubaya na ng Malacañang sa DOJ at sa Office of the Solicitor General ang pagpapasya at pag-evaluate kung ano ang susunod na hakbang at naaangkop gawin sa ilalim ng batas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?