14

Apr 22, 2021 @ 15:59
By

Palasyo ‘di pa kuntento sa pagbaba ng COVID case

Hindi pa rin sapat sa Malacañang ang pagbaba ng bilang ng COVID-19 case para pag-usapan ang pagpapalit ng quarantine status sa Metro Manila at sa apat na kalapit-lalawigan.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na masyado pang maaga para pag-usapan kung magpapalit ng quarantine classification.

Hintayin muna aniyang matapos ang dalawang linggong MECQ at titingnan kung gaano ang ibinaba ng mga kaso.

“Well, kahit papaano nakikita natin na bumaba ano, hindi na tayo nagti-ten thousand ngayon, pero siyempre hindi tayo satisfied diyan. Sa ngayon I think premature na mag-speculate kung ano ang magiging classification natin,” ani Roque.

Sinabi ng kalihim na hanggang ngayon ay mataas pa ang healthcare utilization lalo na sa Intensive Care Units kaya hindi pa panahon para magsabi kung magpapalit ng quarantine classification.

Ayon naman kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez sa press briefing sa Malacañang na pag-uusapan nila sa susunod na pulong ng inter-Agency Task Force kung ano ang susunod na hakbang para sa NCR plus bubble.

“Nakikita natin ang pagsusumikap ng Metro Mayors na ipatupad ang health standards at talagang bumababa ang active cases. Kaya ang advise ko lang patuloy na Ipatupad ang health standards and at the same time paigtingin po ang isolation, testing at contact tracing,”ani Galvez.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?