46
Abante-VisMin-Radar-narco-list
By

Palasyo ‘di na makikialam sa pagpapasya sa mga ‘narco list’ candidate

Ipinasa na ng Malacañang ang paghatol sa mga nasa ‘narco list’ na balak tumakbo sa 2019 midterm elections.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo sa press briefing sa Malacañang, Comelec na ang bahala kung idi-disqualify nila ang mga nasa listahan ng gobyerno sa mga politikong sangkot umano sa iligal na droga.

“That’s the call of the Commission on Elections. If it feels that it can disqualify,” pakli ni Panelo

“I was watching the interview of the Spokesperson (James Jimenez) earlier in one television interview… Parang he was saying that they have the authority to disqualify daw. Although, more on – sinasabi niya na kapag walang capability to pursue a national campaign, hindi doon sa whether drugs or not,” dagdag niya pa.

Ngunit nilinaw naman ni Panelo na hindi dapat maging basehan ng Comelec ang mga haka-haka o mga bagay na hindi pa napapatunayan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?