100
Palasyo ‘di magso-sorry sa mga naapektuhan ng pagsara ng lotto
Aug 1, 2019 @ 15:47
By

Palasyo ‘di magso-sorry sa mga naapektuhan ng pagsara ng lotto

Hindi hihingi ng dispensa ang Malacañang sa mga naapektuhan ng apat na araw na pagsasara ng lotto operations matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang suspensyon ng lahat ng online gaming ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na dapat maintindihan ng mga lotto outlet owner na ang ginawa ng Pangulo ay bahagi ng kanyang adhikain na walisin ang katiwalian sa gobyerno.

“They should understand that the closure order stemmed from the President’s duty to erase any and all doubts on the regularity of these operations,” ani Panelo.

Dapat aniyang matuwa ang lotto operators dahil walang nakitang katiwalian sa kanilang hanay, di tulad ng laro sa small time lottery, Keno at peryahan ng bayan na nananatili pa ring suspendido sa operasyon.

Agad umapela ang samahan ng mga lotto operator kay Duterte na irekunsidera ang kanyang direktiba dahil diretso naman aniya sa bangko ang kanilang hulog sa lotto at hindi ito dumaan sa alinmang opisyal ng ahensiya.

Ikinatwiran din ng mga lotto operator na mawawalan ng hanapbuhay ang marami nilang tauhan na umaasa lamang sa kita sa lotto operations.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?