66
ABANTE-TNT-leila-de-lima-global-thinker
Dec 6, 2017 @ 11:36
By

Palasyo ‘di bilib sa pagsama kay De Lima sa ‘Global Thinkers’ list

Hindi pinansin ng Malacañang ang pagpili kay Senadora Leila de Lima bilang isa sa mga nangungunang ‘Global Thinkers’ ng Foreign Policy magazine.

Sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque, kahit pa anong papuri ang ibigay ng nabanggit na magazine kay De Lima ay hindi mababago ang paninindigan at paniniwala ng mga otoridad sa bansa na siya ay kinasuhan dahil sa mabigat na paratang.

Katunayan aniya ay walang piyansang inirekomenda kay De Lima para sa kanyang pansamantalang paglaya kaya balewala ang pinaniwalaan ng Foreign Policy magazine.

“What can I say, that’s the decision of the magazine. So c’est la vie ‘no. As far as the Filipino authorities are concerned, she stands charged of very serious charges and there is in fact no bail recommended for her provisional liberty. That’s the position of the state,” ang pahayag ni Roque.

Nakasaad pa sa lathala ng nabanggit na magazine na tila may double standard umano ang hustisya sa bansa dahil ang mga katulad ni De Lima ay pilit na pinapatahimik habang ang mga kaalyado at pamilya ng Pangulo ay hindi pinaparusahan. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?