6

By

Palasyo dedma sa tigil-putukan ng CPP-NPA

Sharing is caring!

Walang tugon sa Malacañang ang idineklarang unilateral ceasefire ng Communist Party of the Philippines at New People’s Army (CPP-NPA).

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, walang pahayag mula kay Pangulong Rodrigo Duterte at wala itong abiso para tapatan ang tigil-putukan ng kilusang komunista.

Ayon sa kalihim, hindi naman sinusunod ng mga NPA ang holiday truce dahil tuloy ang opensiba ng mga ito kahit mayroong ceasefire, patunay dito ang mga karanasan sa mga nakalipas na taon.

“There is no comment from the President. No holiday truce, as of now the President has not made any comment,” ani Panelo.

Sinabi pa ng kalihim na nagsalita na rin si Defense Secretary Delfin Lorenzana at ayaw nito na magkaroon ng tigil putukan ngayong holiday season dahil ginagamit lang ito ng mga komunista para magdiwang ng kanilang anibersaryo.

“The Defense Secretary is against it, because according to him, they have been using this ceasefire to celebrate yearly their anniversary, using it as an anniversary and we will not allow it this time,” dagdag pa ni Panelo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?