62

Nov 9, 2017 @ 18:15
By

Palasyo, dedma sa 2 US congressmen sa isyu ng human rights

Ayaw patulan ng Malacañang ang sulat ng dalawang US congressmen kay President Donald Trump na isama sa agenda ang isyu ng human rights sa nakatakda nitong pakikipagkita kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Vietnam na parehong dumadalo sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit .

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ayaw nilang makialam sa panloob na usapin ng gobyerno ng Estados Unidos.

Nananatiling maganda aniya ang rapport ng dalawang lider at umaasang magiging produktibo ang pagkikita at pag-uusap ng mga ito para sa interes ng Pilipinas at Amerika.

Sinabi pa ni Roque, na iniimbestigahan na ng gobyerno ang iginigiit na extrajudicial killings sa bansa at tiniyak na mananagot ang mga mapapatunayang sangkot dito.

“The Palace will not comment on an internal US government matter. President Duterte and President Trump have warm rapport, and can have candid and productive discussions on matters of shared interest.

“We reiterate that our adherence to the rule of law remains as firm as ever, as is our commitment to the protection of human rights. The government is investigating allegations of so-called extrajudicial killings,

including homicide cases with drug-related motives. Ongoing investigations include the conduct of public congressional hearings. All these are undertaken precisely to ensure that due process and the rule of law prevails despite the Philippines’ significant drug problem,” ang pahayag ni Roque.

Batay sa sulat nina US Representatives Randy Hultgren at James McGovern, hiniling ng mga ito kay Trump na isama ang isyu ng human rights violations sa Pilipinas sa magiging sentro ng talakayan sa bilateral meeting nito kay Pangulong Duterte. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?