ABANTE government clueless duterte sibak officials
By

Palasyo, clueless sa sisibakin pang opisyal ni Duterte

Sharing is caring!

Ipinagtanggol ng Malacanang ang nakabiting anunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa sisibaking opisyal na naunang inihayag nitong nakalipas na linggo.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na may mga dahilan ang Pangulo kung hindi man nito kaagad binanggit kung sino ang sisibaking opisyal sa pamahalaan.

Hintayin na lamang aniya ang magiging anunsiyo ng Presidente dahil ilalabas niya ito sa mga susunod na araw.

Ang mahalaga ayon kay Roque ay naibigay nito ang mensahe sa mga taga-gobyerno at maging sa publiko na seryoso ito sa paglilinis sa mga tiwali sa gobyerno.

“The President has his reasons, lets leave it at that. What is important is he is serious about his resolve to deal with the problem of corruption with the government,” ani Roque.

Matatandaang sa aktibidad ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) noong nakalipas na linggo ay inihayag ng Presidente na isang chairman ang nakatakda nitong sibakin bago magtapos ang linggong ito.

Gayunman, walang anunsiyo na inilabas si Pangulong Duterte nitong weekeend kaugnay sa sisibaking opisyal.

Muling pinaalalahanan ni Roque ang mga nasa gobyerno na gustong magpayaman na mas makabubuting umalis na lamang at magtrabaho sa pribadong sektor dahil hindi sila palulusutin ni Pangulong Duterte at makakasama sila sa mga kakalusin sa pamahalaan.

“Uulitin ko po ang panawagan, yung mga gustong magbiyahe,gustong yumaman, uma,is na po kayo ng gobyerno, pumunta na po kayo sa pribadong sektor dahil hindi huhupa ang kampanya ni Presidente laban sa korapsiyon,” dagdag pa ni Roque. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?