685

By

Palasyo bumwelta kay Pangilinan: Kompanya ni Dennis Uy pasado bilang 3rd telco player

Sharing is caring!

Nakatugon sa mga pamantayan ang kumpanya ng negosyanteng si Dennis Uy kaya ito ang napili sa bidding ng Department of Information and Communications Technology (DICT) para sa ikatlong telco player sa bansa.

Ito ang inihayag ng Malacañang kasunod nang pagkuwestiyon ni Senador Francis ‘Kiko’ Pangilinan sa kakayahan ni Uy na magpatakbo ng ikatlong telecommunications company para sa mas mabilis na serbisyo ng internet sa bansa.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, pumasa sa preliminary screening ang kumpanya ni Uy na Mislatel Consortium at may kulang na mga dokumento ang dalawang iba pa kaya si Uy ang nakakuha sa slot.

“There are legal requirements for the entry of a third player. In the preliminary screening,that particular corporation of the person you mentioned Dennis Uy has passed it. From what I gather, the other bidders lack certain requirements, that is why that particular corporation won over them. But there is a provision that says those bidders who are not satisfied can appeal to the committee,” ani Panelo.

Sinabi ng kalihim na hindi pa tuluyang sarado ang pintuan sa dalawang bidder kaya’t may pag-asa pa ang mga ito na maging ikatlong telco na babangga sa duopoly ng kumpanyang Smart at Globe sa bansa.

Matagal ng hinihintay ng publiko ang third player na inaasahang magbibigay ng mas maganda at mabilis na internet service sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?