10

Jul 21, 2021 @ 15:54
By

Palasyo bumanat kay Robredo: Iba tadhana ni Duterte kapag naging VP

Iba ang magiging tadhana ni Pangulong Rodrigo Duterte sakaling maging bise presidente ito .

Tugon ito ng Palasyo sa naging pahayag ni Vice President Leni Robredo na sana ay hindi pagdaanan ng Presidente ang mga naranasan niya sa pagiging bise-presidente.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na hindi matutulad si Pangulong Duterte sa sitwasyon ni VP Leni dahil magkaiba naman ang sitwasyon nila.

“Talaga naman pong tayo ang tumatahak ng ating tadhana, siguro ganyan ang inukit na tadhana ni VP Robredo, sa tingin ko naman po iba ang magiging tadhana ni Presidente Duterte kung sakaling siya ang magiging VP,” ani Roque.

Binigyang-diin ng kalihim na hindi nagkulang si Pangulong Duterte dahil binigyan niya ng posisyon sa gabinete si VP Leni noon bilang housing subalit mas pinili nitong maging lider ng oposisyon.

Ito aniya ang naging dahilan kaya naging palamuti na lamang siya ng limang taon at tagapuna sa mga ginagawa ng administrasyon.

“Kung maalala nyo po, binigyan ng cabinet post ng ating Presidente si VP Leni pero siya po ang namili na nais niyang maging lider ng oposisyon kaya naging palamuti siya ng limang taon,” dagdag ni Roque.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?