24

By

Palasyo blangko sa executive clemency ni Larrañaga

Sharing is caring!

Hindi makumpirma ng Malacañang ang ulat na hihingi umano ng executive clemency kay Pangulong Rodrigo Duterte ang kampo ni Paco Larrañaga.

Si Larrañaga ay apo ng kilalang angkan ng mga Osmeña sa Cebu na isa sa akusado sa kontrobersiyal na Marijoy at Jacqueline Chiong rape-slay case sa Cebu noong 1997.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na nabasa niya rin ang pahayag ng abogado ni Larrañaga pero wala siyang impormasyon sa hinihinging clemency.

Ang tanging may kapangyarihan lamang, ani Roque, na magbigay ng executive clemency ay ang Pangulo ng bansa.

Pero sinabi ni Roque na kailangan pa ring dumaan sa proseso ang paghingi ng executive clemency sa pamamagitan ng Board of Pardon and Parole.

“No information on that. I read that news and I said I have no information to confirm nor deny but the power to grant clemency is an executive power. That will have to go through the Board of Pardon and Parole,” ani Roque.

Naniniwala naman ang ina ng mga biktima na si Thelma Chiong na hindi mapagbibigyan ang hinihinging executive clemency lalo na at galit si Pangulong Duterte sa mga kriminal at sangkot sa illegal drugs. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?