1,173

Oct 25, 2021 @ 16:30
By

Palasyo binutata si VP Leni: Walang perpektong gov’t program

Sinagot ng Malacañang ang puna ni Vice President Leni Robredo na mayroong mga butas sa war on drugs ng gobyerno.

Kasunod ito ng inisyal na report ng Department of Justice (DOJ) na 52 kaso lamang na may kinalaman sa iligal na droga ang tutuloy sa korte at ang ibang akusadong mga alagad ng batas ay na-dismiss o napawalang-sala kaugnay sa mga inilunsad na anti-drug operations.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na hindi sinasabi ng Duterte administration na perpekto ang kanilang programa dahil mayroon talaga aniyang mga alagad ng batas na “bugok”.

“Like any other government program, we cannot claim to be perfect. Pero ang sinasabi natin, huwag naman iyong gawain ng ilang mga bugok ay maapektuhan iyong buong programa,” ani Roque.

Pero ang initial report aniya ng DOJ sa imbestigasyon sa mga anti-drug operation ay patunay na hindi nagpapabaya ang gobyerno at nililitis at pinaparusahan ang mga hindi sumunod sa batas.

Ginagawa aniya ng DOJ ang tungkulin lalo na sa mga kaso ng mga pulis na nakapatay sa anti-drug operations.

“Itong desisyon ng ating DOJ, nagpapatunay na ginagampanan natin iyong ating obligasyon bilang estado na kapag mayroong napatay ay iimbestigahan, lilitisin at paparusahan ang mga pumapatay,” dagdag ni Roque.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?