76
cesar-montano1
By

Palasyo: Bahala na ang Ombudsman sa criminal liability ni Montano

Sharing is caring!

Ipapaubaya na ng Malacañang sa Ombudsman ang pag-imbestiga at pagtukoy kung may dapat panagutan ang nagbitiw na si Cesar Montano sa P80 million Buhay Carinderia Project noong siya pa ang Chief Operating Officer ng Tourism Promotions Board.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, nasa Ombudsman na ang bola para idetermina kung may nilabag na batas sa anti-graft law si Montano.

Tinanggap na aniya ni Pangulong Rodrigo Duterte ang resignation letter ni Montano at tinanggap ito.

“I read the letter just as everyone else and the resignation letter was accepted.

The Ombudsman should look into it because the ombudsman has a constitutional mandate to conduct a preliminary investigation to determine if they should be charged in court for violating the anti-graft law,” ani Roque.

Si Montano ay nagsumite ng resignation letter kagabi kay Tourism secretary Berna Romulo Puyat at maging sa Malacañang na agad namang tinanggap ng Pangulo.

Wala pang napipisil ang Malacañang na ipalit kay Montano .

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?