11

Apr 20, 2021 @ 16:44
By

Palasyo: Ayuda ipamimigay hanggang Mayo

Pinalawig ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pamamahagi ng emergency assistance hanggang May 15 para sa mga naapektuhan ng enhanced community quarantine sa Metro Manila at apat na lalawigang kasama sa NCR plus bubble.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na isinaalang-alang ang kaligtasan ng publiko kaya iniwasan ang maramihang pagtitipon-tipon sa pamamahagi ng ayuda.

Hindi pa aniya ganap na naipamahagi ang lahat ng kabuuang P23 billion sa mga benepisyaryo na makakatamggap ng tig-isang libon piso o kaya ay apat na libo sa bawat pamilya.

“In-extend ang deadline na makumpleto ang pamamahagi ng financial assistance hanggang a-kinse ng Mayo 2021,” ani Roque.

Nais aniya ni Pangulong Duterte na maging flexible ang pamamahagi at inaayos na ang paraan para mabilis na maibigay sa mga benepisyaryo ang ayuda.

Kabilang sa mga ikinunsidera ng Palasyo para sa extension ng ayuda ay ang mga apela sa mga barangay ng mga hindi nakakuha ng pera dahil wala umano sila sa listahan, habang ang ibang reklamo ay iisang libo lamang umano ang natanggap ng isang pamilya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?