15

Mar 3, 2020 @ 18:59
By

Palasyo ayaw magsalita sa gusot sa Kamara

Hindi makikialam si Pangulong Rodrigo Duterte sa nagaganap na gusot sa mababang kapulungan ng Kongreso partikular ang umuugong na umano’y kudeta sa liderato ng Kamara pati na ang balasahan ng mga namumuno sa mga komite.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na mallinaw ang polisiya ni Pangulong Duterte na hindi ito manghihimasok sa panloob na usapin ng Kongreso.

Hahayaan aniya ng Presidente na lutasin ng mga kongresista ang kanilang gusot partikular ang iringan sa pagitan nina House Speaker Alan Peter Cayetano at Congressman Lord Allan Velasco.

“The policy of the President he says, he will not interfere with the intramurals inside the Congress,” ani Panelo.

Hahayaan aniya ng Pangulo na lutasin ng mga mambabatas ang kanilang gusot .

Kaugnay naman sa pagtanggal kay Congressman Isidro Ungab sa appropriations commitee, sinabi ni Panelo na walang kinalaman ito sa isyu ng house leadership issue.

Narinig aniya nito sa interview ng isang kongresista na ang pagtanggal kay Ungab sa komite ay dahil sa isyu ng kawalan ng tiwala sa kanya ng mga kapwa mambabatas.

“One Congressman was being interviewed, he said the removal of congressman to that post was more of an issue of loss of confidence, because he made certain alignments that the Speaker didn’t know. Parang yon lang naman,” dagdag ni Panelo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?