122

By

Palasyo atras sa mungkahing ipamahagi sa bawat Pinoy ang P1.2-B 6/58 jackpot prize

Sharing is caring!

Tutol ang Malacañang sa mungkahing ipamigay na lamang sa mga Filipino ang hindi pa napapanalunang P1.2 billion 6/58 Ultra Lotto jackpot prize.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na mayroong sinusunod na protocol at polisiya ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa kanilang lotto game at baka masira ito kung ipamudmod na lamang ang hindi pa napapanalunang premyo.

Lumobo ng hanggang P1.2 billion ang premyo dahil mailap itong matamaan ng mga mananaya ng lotto.

“Meron tayong protocol diyan baka pag sinira yung protocol, masira naman yung buong policy ng very essence ng lotto,” ani Panelo.

Iminungkahi ng ilang grupo na kung sakaling hindi pa mapanalunan ang jackpot prize ay ipamahagi na lamang ng tig-isang milyong piso sa bawat Filipino at may sosobra pa dahil mahigit isang daang milyon lamang ang populasyon ng Pilipinas.

Inaasang tataas pa ang premyo sa 6/58 ultra lotto kapag walang makakuha sa gagawing draw ngayong Biyernes na pinakamataas na sa kasaysayan ng PCSO.

Matatandaang mismong sina Pangulong Rodrigo Duterte, anak na si Davao City Mayor Sara Duterte at Special Assistant to the President Bong Go ay tumaya din sa pagbakasakaling matsambahan ang winning numbers.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?