15

By

Palami inspirado sa panalo ng SoKor

Sharing is caring!

Kung may dapat paghugutan at kunan ng inspirasyon ang Philippine Azkals, ito ay ang magandang pinakita ng South Korea sa FIFA World Cup 2018.

Kamakailan lang ay natalo ng South Korea ang defending champions na Germany 2-0 at tuluyan nang nalaglag sa group stage ang naturang bansa.

“It’s going to be a daunting task, but hey, if they can do it, the Azkals can,” ani Azkals team manager Dan Palami sa Twitter.

Nakatakdang sumabak sa unang pagkakataon ang Azkals sa AFC Asian Cup sa Enero 7 sa susunod na taon sa United Arab Emirates.

Maaring makaharap ng Azkals ang South Korea sa darating na torneo dahil nasa pareho silang grupo kasama ang China at Kyrgyztan.

“Mixed emotions of pride and the same time you have to say Oh SH*^! That’s who we have to play against in our 1st Asian Cup,” pahabol na tweet ni Palami. (Fergus E. Josue, Jr.)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?