69

Nov 28, 2021 @ 15:41

Palakpakan para sa Reporma ng Tambalang Lacson-Sotto

Sinagot ng mga palakpak mula sa mga residente ng Bulacan ang talumpati nina Partido Reporma chairman at standard-bearer Panfilo “Ping” Lacson at running mate niya na si Senate President Vicente “Tito” Sotto III na nangakong aayusin ang gobyerno sa loob ng kanilang panunungkulan.

Nakausap ng tambalang Lacson-Sotto ang mga taga-Bulacan sa pamamagitan ng kanilang “Online Kumustahan” na ginanap nitong Sabado ng hapon (Nobyembre 27, 2021) sa Tambubong Elementary School sa bayan ng San Rafael, Bulacan. Konektado ang naging pagtitipon sa siyam pang mga pook sa lalawigan upang lubos na makadaupang-palad nina Lacson at Sotto ang mga Bulakenyo.

Sa kanilang mga naging pahayag, ibinida ng tambalan ang kanilang Budget Reform Advocacy for Village Empowerment (BRAVE) program na naglalayong paunlarin ang bansa sa pamamagitan ng maayos at mas makabuluhang pagbalangkas ng taunang pambansang budget na suportado rin ng mga Bulakenyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?