69

Mar 10, 2020 @ 16:04
By

Palakasin ang banking system sa BARMM – Tolentino

Para gumanda ang ekonomiya ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), nanawagan si Senador Francis “Tol” Tolentino na palakasin ang Islamic banking system sa nasabing lugar.

“I have yet to see an existing structure for Islamic banks. Although foreign affairs is reserved to national government, it doesn’t limit BARMM to establish an external affairs office for the institutional strengthening of the Islamic Banks,” pahayag ni Tolentino, chair ng Senate Committee on Local Government, sa pagdinig ng implementasyon ng Republic Act No. 11054 o Bangsamoro Organic Law.

Naniniwala si Tolentino na ang hakbang ng BARMM parliament ay magreresulta ng pagbuo ng external office kung saan ang British Embassy, Turkey Embassy at Japan ay magtutulong-tulong para mapaganda ang ekonomiya ng rehiyon.

Sinabi naman ni Atty. Naguib Sinarimbo, BARMM Minister for Local Government, ang Organic Law ang magbibigay ng kapangyarihan sa BARMM regional government para pumasok sa mga loan at makapag-isyu ng dokumento para makapasok sa financial system.

Sabi ni Sinarimbo, nakipagtalakayan na ang BARMM sa Department of Finance (DOF) para sa posibleng paglipat ng Al-Amanah Bank sa regional government nang sa gayon ay makahikayat ng investment mula sa Muslim countries.

“If the legal framework to allow the operationalization of Islamic Bank in the country improved, we will have the ability to attract this money going into the country, and therefore expanding the capital market of the country, not just the region,” ani Sinarimbo.

Nakipag-usap na rin ang BARMM sa Islamic Development Bank at Qatari government na nagpahayag ng interes na mamuhunan sa rehiyon.

“If we work together to create a enabling environment for the Islamic banks and Islamic finance, then we will be tremendously expanding the capital market that will allow businesses to access money coming from neighboring countries and Middle East,” ani Sinarimbo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?