238

Jul 3, 2019 @ 12:49
By

Palakas ng frontline! Cauley-Stein sinungkit, Looney tinali

Matapos mabigo sa pagkuha kay Kevin Durant, lipat ang pokus ng Golden State Warriors sa pagpapalakas ng kanilang frontline depth.

Tinali ng Golden State ang kanilang sentro na si Kevon Looney, tatlong taon ang pipirmahang kontrata para manatili sa Bay Area.

Samantala, nagdagdag pa ng isang sentro ang GSW sa kanilang lineup, tila naghahanda sa posible ring paglipat ni Demarcus Cousins na kasalukuyang hindi pa hinahayag kung saan maglalaro next season.

Kukunin ng Dub Nation si Willie Cauley-Stein, na naglaro ng apat na season para sa Sacramento Kings.

Nag-average ito ng 10.1 points at 6.4 rebounds sa stint nito sa Kings.

Samantala, kukunin din ng GSW si Glenn Robinson III para sa two-year deal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?