220

Sep 28, 2018 @ 13:00
By

Palace officials to the rescue sa pag-amin ni Pangulong Duterte sa EJK

Ipinagtanggol ng mga opisyal ng Malacañang si Pangulong Rodrigo Duterte matapos aminin ang kasalanan sa extra judicial killings.

Sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo na bisaya ang Presidente kaya pilipit ang tagalog nito kaya minsan ay mali na ang pakahulugan ng sinabi nito.

“Ang kasalanan ko lang ay extra judicial killings. Ang ibig sabihin , ang isyu lang laban sa akin ay extra judicial killings, iyon ang ibig sabihin nun. Bisaya si Presidente,” ani Panelo.

Binigyang-diin ng kalihim na consistent ang Presidente sa kanyang mga nakalipas na mga pahayag na hindi polisiya o direktiba ng estado ang pagkamatay ng mga sangkot sa illegal na droga.

Sinabi naman ni Presidential Spokesman Harry Roque na hindi dapat gawing literal ang konsteksto ng pahayag ng Pangulo dahil hindi naman ito seryoso.

Hindi rin aniya batayan ito para maibaon si Pangulong Duterte sa reklamo sa ejk dahil hindi naman ito sinumpaang salaysay.

“Hindi naman iyang isang sinumpaang salaysay so paano sasabihing self-incriminating iyan? Hindi po. That’s the President po being himself, being playful, being…highlighting the point na hindi siya corrupt,” ani Roque.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?