12

Aug 4, 2021 @ 15:46
By

Palaboy tumakas sa clearing ops sa EDSA, utas nang masapol ng bus

Patay ang isang palaboy na lalaki nang mabundol ng isang bus matapos tumakas sa isinasagawang clearing operation sa EDSA busway kahapon.

Kinilala ang nasawi bilang si Jonathan Rodriguez.

Ayon sa ulat ng GMA News, nakatira ang 36 anyos na palaboy sa center island ng nasabing busway.

“‘Yong driver nakausap ko kanina ang sabi niya eh biglang tumawid,” kuwento ng isang traffic enforcer.

“Tumakbo ‘yong lalaki dahil mayroong nag-o-operate kasi naglilimos sila. ‘Pag hindi raw binibigyan, pinapalo ‘yong sasakyan, ‘yong motor ng kahoy kaya pumupunta kami para papaalisin hindi namin kaya kaya nagkahulihan po,” pagpapatuloy nito.

Para makuha ang naipit na bangkay, kinalaingan umano iangat ang bus gamit ang mga heavy equipment.

Nahaharap sa sa kasong reckless imprudence resulting in homicide ang diver ng bus.

Samantala, tikom naman ang bibig ng Metropolitan Manila Development Authority at Quezon City Police Department hinggil sa insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,