189
Palaboy Maynila
By

Palaboy sa Maynila, bawal na!

Tuloy-tuloy ang pagsagip ng Manila Department Social Welfare sa mga batang palaboy sa lungsod ng Maynila bilang bahagi ng kanilang programa na linisin ang lungsod hindi lamang ng basura kundi maging ng pakalat-kalat na indibiduwal sa mga pampublikong lugar.

Sa panayam kay Nanet Tanyag, ang Hepe ng MDSW, puntirya ng kanilang operasyon ang mga pasyalan, mga pampublikong istruktura at mga parke kung saan madalas tumambay at mamalagi ang mga batang palaboy.

Muli ay nagbanta si Tanyag na kakasuhan na ipatatawag at mahaharap na sa kaukulang parusa ang mga magulang na nagpapabaya sa kanilang mga supling.

Sinabi nito na dadalhin na muna nila sa mga orphanage o mga bahay kalinga ang mga nasagip na menor de edad at pangangaralan ang mga magulang na magke-claim sa kanilang mga anak na nasagip ng MDSW.

Samantala, inihayag din ng opisyal na bukas ang kanilang tanggapan para sa mga mag-asawa na walang anak o indibiduwal na gustong mag-ampon na makipag-ugnayan lamang para sa tamang proseso ng adaption.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?