323

Sep 24, 2021 @ 22:02
By

Palaboy petmalu sa pagkanta

Mahigit 5.3 million views na ang video ng isang palaboy na talentado sa pagkanta.

Plakado ng palaboy na hindi pinangalanan ang boses ng American singer na si James Ingram nang banatan niya ang awiting “Just Once”.

Ibinahagi ito sa Facebook ng Serbisyo Publiko News & Information Online.

Hiling ng mga netizen na sana ay matulungan ang nasabing palaboy at magamit niya ang talento upang kumita.

Panoorin sa ibaba ang nakakabilib na pagkanta ng naturang palaboy:

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,