fake-money
By

Palaboy na lalaki, ikinulong nang tangkaing kumain sa Burger King

Sharing is caring!

Isang homeless na lalaki ang inaresto at nakulong ng mahigit tatlong buwan matapos akusahang gumamit ng pekeng pera na pambayad sa isang fast food chain.

Nagutom si Emory Ellis, isang palaboy sa Boston, kaya’t pumunta siya sa Burger King, umaga ng Nobyembre 2015.

Pero imbes na almusal ang ibigay sa kanya, binitbit siya sa istasyon ng pulisya.

Ngayon ay hinahabol at kakasuhan ni Ellis ang naturang fast food giant at franchisee nito para sa $1 million damage.

Ani Ellis, minaliit at ininsulto siya dahil lang sa itsura niya at pagiging “black”.

Depensa ng abogado ni Ellis, kung “puti” umano siguro ang customer na nagbayad sa cashier ng perang peke, isasauli lang ito at hihingi ng paumanhin na hindi nito matatanggap ang pera imbes na tumawag agad ng pulis.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?