37

Oct 17, 2021 @ 19:28

Palaboy ginahasa bebot sa tren

Nagparaos ang isang palaboy sa tren matapos niyang mapagdiskitahan ang isang babae na kanyang pinagsamantalahan.

Nangyari ang krimen sa Philadelphia, kung saan dinetalye ni Superintendent Timothy Bernhardt ng Upper Darby Police Department ang kanilang nakita sa surveillance video.

Ayon sa pulis, marami umanong pasahero ang nakakita sa ginagawang pangmamanyak ng suspek na kinilalang si Fiston Ngoy, ngunit wala raw umawat dito.

Natigil lang ang ginagawang kahalayan ni Ngoy nang abangan siya ng mga officer sa Southeastern Pennsylvania Transportation Authority (SEPTA) sa sumunod na istasyon.

Dahil dito’y nahaharap sa kasong rape, aggravated indecent assault at ilan pang asunto ang naturang suspek na pinaniniwalaang walang tirahan.

Samantala, dinala sa ospital ang biktimang babae na nagbigay na ng pahayag sa mga pulis.

Nanawagan naman ang SEPTA sa publiko na tumawag agad sa 911 kapag may naispatang krimen.

“There were other people on the train who witnessed this horrific act, and it may have been stopped sooner if a rider called 911,” ayon sa mga awtoridad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,