85
arestado
Jun 28, 2019 @ 18:54
By

Palaboy arestado matapos mambato ng mga sasakyan sa Ortigas Flyover

Dinakip ang isang lalaki nang maaktuhang nambabato ng mga dumaraang sasakyan sa EDSA Ortigas Flyover sa Pasig nitong Biyernes ng umaga.

Sa surveillance footage na binahagi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), makikita ang lalaki habang naglalakad sa gilid ng kalsada at ilang minuto ang nakalipas bigla itong umupo at may kinuhang bagay at nilagay sa bulsa.

Ilang motorista ang nag-report sa MMDA tungkol sa lalaki dahil sa pambabato kaya pinahuli ito sa mga enforcer.

Nakorner ang palaboy sa kabilang side ng flyover at itinurn-over sa Social Welfare Department.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?