298

May 23, 2019 @ 12:03
By

Palabas muli ng administrasyon! Trillanes kakasuhan si Bikoy

Mariing itinanggi ni Senador Antonio Trillanes ang mga sinabi ni Peter Joemel Advincula, na nagpakilalang si alyas Bikoy, na kasama umano siya ng Liberal Party sa paggawa ng ‘Ang Totoong Narcolist’ video.

Sinabi ni Trillanes na isa itong propaganda laban sa kanya ng administrasyong Duterte para ma-harass ang oposisyon.

“I deny the allegations made by this Bikoy character. This could be another ploy of the administration to harass the opposition,” saad ng mambabatas sa isang statement.

Kakasuhan din niya umano si Advincula dahil sa pagdawit ng kanyang pangalan sa anti-Duterte campaign.

“For now, I will be consulting with my lawyers so that we could also file the appropriate charges against him,” aniya pa.

Nitong Huwebes ay sumuko si Advincula sa PNP at dito nilantad na Liberal Party, sina Senadora Risa Hontiveros, Leila de Lima at si Trillanes ang umano’y utak sa likod ni Bikoy.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?