228

May 16, 2021 @ 15:35
By

Palaban sa mga social issue: Rabiya namumurong Miss U 2020!

Pasok sa Top 3 ng ‘Final Hot Picks’ ng pageant website na Missosology si Rabiya Mateo para sa Miss Universe 2020.

Nasa ikatlong puwesto ang pambato ng Pilipinas, kasunod lamang sina Janick Maceta (Peru) na nasa ikalawang puwesto, habang nanguna naman si Adline Castelino (India).

Sey ng Missosology, isa si Rabiya sa mga kandidata na nagpapakitang ‘genuine’ at maganda ang rapport pagdating sa interview.

Bukod pa dito, pinakita rin ni Rabiya na matatag ang kanyang paninindigan sa mga social issue, na isa sa mga katangiang taglay ng mga nagdaang Miss Universe titlist.

“She has proven that she is quick-witted, communicates well, and has a solid stand on social issues – one that the Miss Universe competition is looking for in a winner over the past couple of years,” ayon sa website.

“Rabiya also knows exactly how to present herself onstage, too, and she was able to show that in her preliminary swimsuit performance.”


Bukas na gaganapin ang finale ng Miss Universe 2020, sa Seminole Hard Rock Hotel & Casino sa Hollywood, Florida.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?