26

Sep 14, 2021 @ 16:54
By

Palaban sa korapsyon, gustong ka-tandem ni Pacquiao

Bago ang Oktubre 1 ihahayag ni Senador Manny Pacquiao ang kanyang plano para susunod na halalan.

Ginawa ni Pacquiao ang pahayag matapos maghain ng P100 milyong libel at cyber libel case laban may Pastor Apollo Quiboloy.

“Mag-a-announce ako soon before October 1,” sabi ni Pacquiao, kasabay ng pagsabing uunahin muna ang kanyang trabaho bago ang kanyang announcement.

Sakaling tumakbo sa pagka-pangulo, sinabi ni Pacquiao na ihahayag din nito ang kanyang runningmate sa araw na iyon.

Sabi niya, gusto niyang makatambal ay iyong lumalaban sa katiwalian.

“Pareho ng puso ko, gusto ko ayaw din ng corruption, gusto ko suportahan ang programa natin, especially yung ginagawa kong 22 rounds priority agenda for the country,” ani Pacquiao.

“Maraming iba diyan na pangsariling interes lamang ang ginagawa e alam na alam natin ‘yan at ‘di natin papayagan ang mga baluktot na katuwiran at hangarin na mga ganyan,” saad pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?