51

Sep 19, 2021 @ 13:12
By

Palaban! Rabiya sky goddess peg sa photoshoot

Nagmukhang dyosa ng kalangitan si Rabiya Mateo sa kanyang latest photoshoot.

Makikita kasi sa kanyang Instagram upload nitong Sabado ang ilang litrato kung saan nakasuot siya ng isang blue dress na may backdrop ng langit sa likod.

Ayon sa ulat ng GMA News, isinagawa ang photoshoot bilang pagmarka sa huling linggo bilang Miss Universe Philippines ng Ilongga,

“Glow through what you go through,” sey niya sa caption. “My last week being Miss Universe Philippines.”

Matatandaang hindi pinalad si Rabiya na makapag-uwi ng korona sa 2021 Miss Universe ngunit nakapasok naman siya sa Top 21 ng naturang pageant.

Samanatala, nakatadang gawin ang coronation night para sa 2022 MUP sa Setyembre 25. (VA)


Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?