111

Jun 22, 2018 @ 18:54
By

Pala-alburotong si Nabong, pakakalmahin ng San Miguel

Basagulero, sakit ng ulo, barumbado!

Binalewala lahat ito ng San Miguel Beermen at sumugal upang kunin si Kelly Nabong mula GlobalPort kapalit ni veteran forward Gabby Espinas sa pamamagitan ng trade nitong Huwebes.

Bago ang trade, nakipaggirian pa si Nabong kontra Phoenix rookie Jason Perkins sa 135-108 loss ng GlobalPort nitong Miyerkoles.

Sa nagdaang anim na taon sa PBA, ilang beses pang nasangkot sa gulo sa loob ng court si Nabong kabilang ang suntukan nila noon ni Purefoods (Magnolia Pambansang Manok na ngayon) Marc Pingris at sigawan nila ni dating Meralco assistant coach Jimmy Alapag, dahilan ng kanyang pag-alis sa Bolts.

Sa kasalukuyang conference, nagkaroon rin sila ng alitan ni Rain or Shine guard Maverick Ahanmisi at sinigawan si Phoenix coach Louie Alas.

Sa lahat ng ito, nais ng San Miguel na bigyan ng pagkakataon si Nabong.

“I would like to think that we are the one of the teams which do not judge people unless we have direct experience on the subject.

We always believe that there is always good in anyone despite a troubled past and we believe in giving people chances to better themselves with the proper guidance and understanding,” sabi ni SMB team manager Gee Abandilla.

May average na 7.3 points, 6.5 rebounds at 2.5 assists sa 27.7 minutong aksiyon sa kasalukuyang Commissioner’s Cup si Nabong.

“We are hoping that he could find home in SMB and personally, I am hoping that could showcase what good basketball is really all about.

Sometimes, a chance is all a person needs, but whatever he does with that chance is really up to him,” dagdag ni Abanilla.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?