21

Oct 6, 2020 @ 21:57
By

PAL sisibak ng 2,000 empleyado

Magkakaroon muli ng pagbabawas ng empleyado sa Philippine Airlines (PAL) kung saan 2,000 empleyado ang inaasahan na mawalan ng trabaho.

Ito’y kasunod ng epekto ng COVID-19 pandemic, kung saan ilang buwan natigil ang operasyon ng mga paliparan.

Hahanap din ang PAL ng mga manggagawa na nais na boluntaryong mag-resign para sa retrenchment program.

Bukod sa PAL, naapektuhan din ang Cebu Pacific na nagtanggal ng abot 1,300 empleyado dahil din sa pandemya.

Nagkaroon din ng retrenchment sa Air Asia kasunod ng mahabang lockdown.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?