44

Jan 31, 2020 @ 9:44
By

PAL nagsuspinde, Cebu Pac nagbawas ng mga biyahe sa China

Pinabatid kahapon ng Philippine Airlines at Cebu Pacific na nag-adjust sila ng mga biyahe sa mainland China kaugnay ng unang kumpirmadong kaso sa bansa ng novel coronavirus (2019-nCoV) mula Wuhan, Hubei.

Kinansela ng PAL ang mga charter flight sa pagitan ng Kalibo sa Aklan at Nanjing, Hangzhou, at Pudong Shanghai sa China bilang tugon sa pagbabawal ng Chinese authorities sa mga turista sa mainland China.

Gayunman, tuloy pa rin anila ang scheduled flights sa pagitan ng Manila at Beijing, Pudong Shanghai, Guangzhou, Jinjiang, Xiamen, Hong Kong at Macau.

Samantala, magbabawas naman ang Cebu Pac ng mga flight sa pagitan ng Pilipinas, mainland China, Hong Kong, at Macau mula Pebrero 5 hanggang Marso 29, 2020.

https://www.cebupacificair.com/Pages/travel-advisory?tid=489

Pinabatid na umano nila sa mga pasahero ang kanselasyon, at binigyan ang mga ito ng tatlong opsiyon: mag-rebook, mag-refund, o itago lang ang halaga ng ticket sa kanilang Travel Fund.

Nilista ng PAL sa kanilang advisory nitong Enero 30, 2019 ang kanilang airport clinics o medical helpdesks.

Posted by Philippine Airlines on Thursday, 30 January 2020

Agad magpakonsulta sa doktor kapag nakararanas ng ubo, runny nose, headache, sore throat, at/o lagnat.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?