36

Mar 17, 2020 @ 19:07
By

PAL nagkansela ng lahat ng domestic flights

Inanunsyo ng Philippine Airlines (PAL) ang kanselasyon ng lahat ng domestic flights nito dahil sa pinatupad na enhanced community quarantine sa Luzon.

“In compliance with the Philippine government’s Enhanced Community Quarantine measure over the Region of Luzon, including Metro Manila, ALL DOMESTIC FLIGHTS of Philippine Airlines are CANCELLED effective immediately until April 12, 2020,” sabi sa statement ng PAL sa kanilang Facebook post.

“We continue to operate INTERNATIONAL FLIGHTS up to midnight of March 20, 2020. We will announce in due course the status of our international flights from March 20 up to April 12, as we are presently coordinating with government authorities on the relevant implementing details,” dagdag pa nito.

Sa kabila nito, mananatiling umanong bukas ang kanilang Manila Airport Ticket Office sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 ng alas-dos ng madaling-araw hanggang alas-10:00 ng gabi.

Sarado naman ang lahat ng PAL ticket office sa Metro Manila.

Ang mga may travel at ticketing concern ay maaaring tumawag sa PAL hotline na (63 2) 88558888.

Posted by Philippine Airlines on Monday, 16 March 2020

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?