254

Nov 3, 2017 @ 18:19

PAL nagbayad na ng P6B utang sa gobyerno

Binayaran na ng Philippine Airlines (PAL) ang kanilang P6 bilyong pagkakautang sa gobyerno.

Binitbit ni PAL Vice President for Legal Affairs Clara de Castro ang dalawang tseke sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at sa Manila International Airport Authority (MIAA).

Ang isang tseke na nagkakahalaga ng P5,677,887,615 ay ibinigay kay CAAP chief accountant Raul Eusebio at ang isang tseke na P258,594,230 ay ibinayad kay MIAA assistant general manager for finance Arlene Britanico.

Ang kabuuang halaga ay pagkakautang ng PAL sa gobyerno simula pa noong dekada 70 hanggang nitong Hulyo 2017.

Nauna nang nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na ipapasara niya ang Terminal 2 kapag hindi binayaran ng PAL ang utang nito hanggang sa darating na Disyembre. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?