27

Jan 17, 2020 @ 19:05
By

PAL nagbabala vs pekeng pakontes para manalo ng plane ticket

Binalaan ng Philippine Airlines (PAL) ang publiko laban sa mga bogus na advertisement na kumakalat online tungkol sa pa-contest kung saan mananalo ng plane ticket mula sa kanila.

“Please be advised that a fake advertisement is circulating online luring netizens to reply to several questions in exchange for a chance to win plane tickets,” sabi sa advisory ng PAL.

Ayon sa PAL, “phishing site” raw ang mga ito para makakolekta ng personal data kaya huwag itong bubuksan.

“We urge everyone NOT TO open the site as doing so will compromise your personal data,” dagdag pa ng PAL.

Nakikipag-ugnayan na umano ang PAL sa mga awtoridad para rito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?