13

Sep 8, 2020 @ 11:27
By

PAL magbabawas uli ng mga kawani

Sa pangalawang pagkakataon ngayong taon, magtatanggal ng mga tauhan ang unang commercial airline sa Asya para makayanan ang hagupit ng coronavirus pandemic.

Napaulat na magbabawas ang Philippine Airlines nang mula 20 hanggang 40 porsiyento ng workforce nito simula Oktubre 2020.

Ang PAL Group ay may higit 6,000 empleyado.

Bukod sa PAL, nagtanggal na rin ng mga manggagawa ang mga kalaban nitong airline na AirAsia Philippines at Cebu Pacific dahil pa rin sa pandemya.

Samantala, hindi pa pirmado ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Bayanihan 2 kung saan nakapaloob ang sana’y tulong para sa aviation sector.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?